Archive for September, 2011

September 28, 2011 - Posted by admin

Muling pinatunayan ng pop princess na si Sarah Geronimo ang kanyang walang kaparis na karisma sa publiko nang ang kanyang ine-endorse na shampoo ay humakot ng mahigit sa isang milyong followers sa nangungunang social network site.

Ang Hair Experts Facebook fan page ng Sunsilk ay mayroon nang 1,012,079 followers mula nang ito’y inilunsad noong Abril 2010. It na rin ang pinakamalaking hair care brand page sa buong mundo at isa sa tatlong pinakamalalaking brand pages sa Facebook sa Pilipinas.
Masayang-masaya si Sarah dahil sa dami ng mga followers ng fan page. Ikinararangal niyang makabilang sa Sunsilk at lubos na nagpapasalamat sa tiwala na ibinigay sa kanya ng mga executives sa likod ng produkto.

Isa sa mga dahilan ng tagumpay ng Sunsilk Hair Experts fan page ay ang mga mahahalagang tips at impormasyon sa tamang pangangalaga ng buhok buhat mismo sa mga eksperto, kabilang na sina Yuko Yamashita(straight and smooth hair expert mula sa Tokyo), Thomas Taw (dry and damage repair expert mula sa London), Dr. Francesca Fusco (hair fall expert mula sa New York) at Teddy Charles (style expert mula sa Paris). Sila ay tinaguriang mga hair experts na mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Ang mga nag-like ng fan page at maaari ring mag-post ng mga tanong ukol sa kanilang mga suliranin sa buhok, at gayon din sa mga uso at makabagong hairstyles. Ang kanilang mga katanungan ay masusing sinasagot ng mga Sunsilk hair experts, kaya naman ang fan page ay tunay na kaaya-aya.

Maliban dito, naglunsad din ang Sunsilk ng isang eksklusibong promo para sa mga members ng fan page. Ito ay ang Sunsilk Expert-Touched Makeover promo na inilunsad noong Oktubre 2010 kung saan ang mga members ng fan page ay nagpadala ng kanilang mga larawan kalakip ang maiksing write-up na naglalahad kung bakit kailangan nila ng expert makeover. Ang top three winners ay pinili base sa bilang ng kanilang mga online votes at sa scores ng judges mula sa Sunsilk.

Ang mga nagwagi ay sina Princess Yambao at Rose Vinluan, na nagkamit ng makeover trip sa New York upang bisitahin ang salon ng Hair Fall expert na si Dr. Francesca Fusco, at si Melissa Dulalia na nanalo ng makeover trip sa Paris sa salon ng Shape & Lengths expert na si Teddy Charles o sa Japan kasama si Straight and Smooth hair expert na si Yuko Ymashita. Labis na nagalak si Sarah para sa mga nanalo sa promo dahil makakamtan na nila ang kanilang dream makeover mula sa mga eksperto.

Tunay na maraming consumers ang natulungan ng Sunsilk Hair Experts Facebook fan page. Sa pamamagitan nito, napatunayan ng Sunsilk na madali nang magkaroon ng soft and smooth na buhok na tulad ng buhok ng iniidolong si Sarah.

Like facebook.com/hairexperts and get more tips para magkaroon ng expert-touched hair mula sa Sunsilk.

Search

 

 

 


Parse error: syntax error, unexpected end of file in /home/webdirectory/sarahgeronimo.ph/blog/wp-content/themes/theme1066/sidebar-2.php on line 36