Archive for January 25th, 2012

January 25, 2012 - Posted by admin

Sabi nga nila, it’s better late than never! Kahit lumipas na ang holiday season, sama-sama pa ring nag-celebrate ng isang Christmas party ang Popsters, siyempre kasama ang kanilang idol.

Matagal nang nakaplano ang celebration ngunit dahil sa ilang di inaasahang commitments ng Popstar Princess, na-reschedule ang party. Pero dahil mahal ni Sarah ang kanyang fans, pinilit pa rin niyang isingit sa kanyang hectic schedule ang isang gabi para sa kanila.

At last, natuloy na nga last January 19 ang pinakahihintay na party with Sarah Geronimo. Pagkatapos ng celebration, hindi pa rin matanggal ang ngiti sa mukha ng Popstar Princess. “Napakasaya. Sobrang enjoy! Enjoy ako, enjoy lahat. Dami naming nakain.”

Naganap ang party sa Imo’s Pancit Malabon restaurant nila Sarah sa may Mindanao Avenue. Matapos ang kainan, nakipagkantahan, nakipagsayaw ng ‘dougie’, at nakipaglaro si Sarah sa kanyang mga fans.

Para sa Popstar Princess, highlight ng event ang kanyang duet with Tita Cristy at Ate Mhel. Matagal na raw pala niyang gustong maka-duet ang kanyang fans. “Highlight yun ng party. Siyempre, first time yun na naka-duet ko sila Tita Cristy saka sila Ate Mhel. Dapat noon pa, pero I’m glad na nagawa namin siya that night.”

Sinulit na talaga ni Sarah ang gabing iyon para makipag-bonding sa kanyang mga fans. At kung siya raw ang tatanungin, gusto niyang mas madalas pang mangyari ang ganung pagsasama-sama, kahit hindi Pasko. “Sabi ko nga sana kahit hindi Christmas, magawa namin ulit yun ng sama-sama. Tapos mag-grow pa yung relationship namin ng Popsters saka ng ibang followers.”

Bukod sa kanyang pamilya at sa kanyang passion in singing, mahal na mahal ni Sarah ang kanyang mga fans. Kaya naman lubos ang pasasalamat niya sa kanyang fans na nagsisilbing inspirasyon niya.

“Mahal ko kayo. Mahal na mahal ko kayong lahat. At maraming salamat sa lahat ng suporta nyo, sa lahat ng pag-intindi, sa pagiging understanding. Sa patience, sana magtagal pa po tayo.”

Kayo, gaano n’yo kamahal ang Popstar Princess Sarah Geronimo?

Search

 

 

 

January 2012
M T W T F S S
« Dec   Feb »
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
3031  

Polls

Anong tingin n'yo Sarah Geronimo at Paulo Avelino love team?

View Results

Loading ... Loading ...