Hello guys! Si Sarah Geronimo po ito. Kamusta po ang araw niyo? Maraming salamat po sa mga visitors ng website na ’to. Nakakatuwa pong isipin na through this site ay makakausap ko kayo. Through the updates of this site, parang magkakasama na rin tayo. Kaya kung may gusto po kayong i-share o sabihin sa akin at sa mga friends natin dito sa site, feel free to join!

Sa dinami-dami ng pangyayaring nagaganap sa buhay ko araw-araw… oh, drama! Hehe. Hindi po, masaya lang po ako na sa mga experiences ko sa buhay ay nariyan po kayo lagi at hindi nagsasawang sumuporta sa akin.

Every time I open my eyes in the morning, I always thank God for giving me another day to fill up the hearts of those na nagtitiwala sa akin. Sabi nga po ni Mommy, “Hold on to my dreams for they will soon come true through perseverance and dedication.” Sa pitong taon ko sa industriya, masasabi ko na I am very blessed… sa mga taong nagmamahal sa’kin, sa mga achievements na nararating ko, at pati mga challenges na nararanasan ko.

I’m very eager to work hard just like my idol, si Michael Jackson. Opo, simula bata pa lang po ako ay iniidolo ko na po siya. Sabi ko nga po, “I want to perform in front of many people.” Ito na ang calling ni God for me. Napapangiti rin po ako every time na napapasaya ko kayo. Para bang ang gaan ng feeling lalo na pag nandiyan ang mga minamahal ko sa buhay at ang mga nagmamahal sa akin. Sa lahat po ng sumusuporta sa’kin, kayo po ang inspirasyon at lakas ng loob ko.

Hangga’t may taong nalulumbay, narito po ako para patuloy na mapangiti sa inyo.

Tama na nga po ang drama. Hehe. Meron po ba kayong gustong i-share? Ako, may isha-share po sa inyo. Hilig ko po ang pag-aalaga. Kung dati ay pangarap lang namin ni Daddy na magkaroon ng pets, finally, meron na kaming more than 10 dogs! Isa sa mga favorite ko si Evoley, Yorkshire Terrier.

Alaga ko rin ang boses ko. Pag free time ko, I make sure na nare-rejuvenate ang vocal chords ko. Nag-aala Celine Dion or Ms. Regine Velasquez ako sa favorite place ko sa house.

Natuto po akong kumanta noong maliit pa lang ako. Sumasali kami ni Mommy sa mga singing competitions and fortunately, naiuuwi naman namin ang tropeyo.

Sa paglaki ko, naging bonding time naming pamilya ang pagsta-stay sa Sta. Cruz, Manila. Napaka-special ng lugar na iyon sa’kin dahil madami akong natutunan doon. Doon namin binuo ang mga pangarap n gaming pamilya. At doon rin nakita nina Mommy at Daddy ang bituin.

Malaking pagsubok ang hinarap ng pamilya namin even before “Star for a Night.” Pero dahil sa mga pagsubok na ito, lalo akong naging matatag at naging inspired na i-pursue ang first love ko, ang pagkanta.

Sa lahat po ng naging parte ng buhay ko, mga kaibigan sa industriya, Popsters, FMS, Ashlloyd, AshSam, AshIan, AshRik, AshCo, AshRald at sa lahat po ng sumusuporta sa akin, maraming maraming salamat po. Siyempre, lalong-lalo na kay God na laging nariyan sa ating tabi.
Sa ilang taon ko po sa industriya, ang dami ko nang natutunan. Mapa-pelikula man, TV show o concert, natutunan ko pong makibahagi at ibahagi ang buhay ko. Lalo po akong nai-inspire na magpursige dahil na rin sa mga tumutulong sa’kin tulad nina Ate Juday, Ms. Sharon, mga direktors, at mga kapwa ko artista na tumulong para ma-improve ko ang skills ko. Salamat po. Maraming salamat po.
Handog ko po sa inyo ang lahat ng karangalan na nare-receive ko dahil kayo ang bumubuo ng buhay ko. Salamat po! Keep visiting this website para sa latest updates! From time to time, bisita po kayo para 24 hours a day, magkasama tayo! Keep in touch po! Mahal ko po kayo.
- Sarah