April 23, 2013 - Posted by admin

Nag-celebrate at nagsama-sama ang cast and whole team ng It Takes A Man and A Woman para sa victory party ng movie. So far, kumita na ng P375 million ang pelikula, and still counting dahil palabas pa rin ito sa mga sinehan.

Walang ibang bukambibig ang lahat kundi “Thank you” at marami pang pasasalamat.

Photo (c) Pamela Sobreo

Photo (c) Pamela Sobreo

John Lloyd Cruz: Saludo talaga ako sa buong crew na nakasama namin dito. I’m out of words talagang grabe. Puno lang po kami ng pasasalamat. In behalf of the whole team gusto po naming magpasalamat.

Sarah Geronimo: Ang intention ay maraming mapasayang tao at mabahagi ang learnings ng pelikula. Mula sa buong production team ng It Takes a Man and a Woman, maraming maraming salamat po.

Photo (c) @JustSarahG

Photo (c) @JustSarahG

Direk Cathy Garcia-Molina: Wala akong maaaccomplish kung hindi ako tinulungan ng staff ko at ng Star Cinema. It’s very hard to make a film, pero salamat God!

Photo (c) @JustSarahG

Photo (c) @JustSarahG

Walang humpay ang pasasalamat ng lahat. Pero mas nagpapasalamat rin ang mga fans at taga-suporta nina Laida at Miggy dahil sa movie na talagang maipagmamalaki at super malapit sa mga puso nating lahat!

Showing pa rin ang It Takes A Man and A Woman sa mga sinehan kaya nood na! :)

Leave a Reply